Paano Ko Maabot Ang Mga Pangarap Ko Sa Buhay Essay Typer

Unformatted text preview: How Manny Pacquiao passed the A& E test of the ALS Secretary Lapus observed, "ALS is not yet accepted as legitimate learning by both policy makers and the public." He was thinking of the major literacy problem of 70% of the population who are poor and illiterate. Therefore, what was needed was a campaign to make ALS accepted. Thus, the idea of a people’s hero struck him. One can call the circumstances God sent, when in his frequent sortie to Mindanao, Secretary Lapus happened to meet Manny Pacquiao in General Santos City. Pacquiao inquired, "Secretary Lapus is there a way I can earn a high school diploma? I only finished elementary school." Secretary Lapus thought, "Finally, we have here the Pilipino ALS Ambassador!" He immediately let him take the Accreditation and Equivalency Test (A&E Test) of the Bureau of Alternative Learning System. Dr. Carol Guerrero assures the critics that there was no foul play. The test results of the annual Accreditation and Equivalency Test are processed, analyzed and scored not by the Department of Education, but by a reputable and credible private research organization, the Center for Educational Measurement. Because of the intent to make him Ambassador of ALS, Pacquiao’s paper was checked immediately. Secretary Lapus exclaimed, "See, Carol, what more can you ask for? We got the most expensive advocate of ALS - "P300 million worth of promotions" Pacquiao as Ambassador of ALS. Sec. Lapus recalled: "Manny took six hours to finish the 250 multiple choice questions. Afterwards, it took him three days to recover. He said he prefers 15 hours of boxing to this." His test results revealed: Communication skills = 99, English = 90, Science and Numeracy = 87, Livelihood = 102, and Critical Thinking = 95. One of a product of Alternative Learning System is a first year high school dropout, boxing champion, Manny Pacquiao took and passed the (AET) under the ALS program. He was presented a high school diploma, making eligible to pursue college. He was then named as the DepEd's Ambassador for the ALS and People’s Champ for Education. According to Education Secretary, Jesli Lapus, "Manny is an excellent model for all out-of-school children, youth and adults who are determined to learn and are able to gain functional literacy skills outside of formal schooling." And now Mr. Pacquiao is the ALS Ambassador wherein he attended last graduation event of ALS in New era University. Heart Evangelista earns high school diploma Heart Evangelista has finally checked “graduate from high school” off her to-do list. The 29-year-old TV host/actress told Yahoo Philippines it was last February when the results of theDepartment of Education’s (DepEd) Alternative Learning System Accreditation & Equivalency (ALS A&E) Test came out. "I had major tutoring. I would study four hours a day before I took my exam,” she recalled at the shoot of Pond’s, a brand she endorses. 221,598 examiners took the ALS A&E test in October last year. About one third (72,076), including Heart, passed. The DepEd program targets school drop-outs, homeschool and those who have not attended the formal school system. Passers get a diploma similar to that of the formal school. Off to college Philippine senator Francis “Chiz” Escudero’s girlfriend said she is considering college—with three courses in mind. "I had three major things I’m planning [to take up],” she said. On top of the list is her boyfriend’s course: Bachelor of Law. “My Tita Miriam (Santiago) wanted me to take up Law, which is kinda impossible, but it was a dream.” Another far-fetched course for the dog lover is Veterinary Medicine. “But it would take me forever to finish that.” Heart would most likelystudy Fine Arts, close to the artist route she’s she's taking when she recently unveiled Love Marie Ongpauco (her real name) the painter. “It’s something connected to what I’m doing which is the arts, so definitely I’d like to try to go to UP (University of the Philippines), but I’ll see what I can do with my schedule.” Kim Chiu proud to finish high school MANILA, Philippines – Drama princess Kim Chiu did not hide her emotions when she delivered a speech in front of her high school batchmates during their graduation day on Thursday. Chiu was among the thousands of students who was granted a high school diploma because she passed the Department of Education’s alternative learning system test. The agency declared that she had passed their high school accreditation standards. In her graduation address, the young actress bursted into tears because she was finally able to finish secondary education. “Lagi nating tatandaan na ang kahalagahan ng buhay ay hindi lang natin mararating sa ating sarili. Libre hong mangarap. Sa lahat ng may gustong abutin sa buhay, isipin na lang ho natin na hindi imposibleng mangarap katulad ko. Pinangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at ito natapos ko na kaya congratulations po sa ating lahat,” she said. Talking to “Showbiz News Ngayon,” Chiu revealed that it was actually her grandmother’s wish for her to finish school even before she ventured into the entertainment world. “Ang sarap ng pakiramdam. Ang saya dahil ang tagal ko ng gustong makagraduate and ito talaga ang pinangarap ng lola ko sa akin bago ako pumasok ng show biz. Sana matapos ako kahit high school manlang. Ito na may gift na ako sa kanya,” Chiu said. Amid her success, Chiu disclosed that it was not easy to study and work at the same time. “Pag dinner break, nag-aaral na lang. After ko basahin ang script, nagbabasa naman ako ng mga lessons ko. Kapag walang work, nag-aaral ako, nagrereview para sa exam,” she related. The young star also belied the notion that all artists do not dream of finishing their studies. “Hindi naman biro ang showbiz to education. Parang ang baba ng tingin sa akin ng mga tao. Sabi kasi nila pag artista ka parang easy money, angd dali so hindi na sila nag-aaral. Ang bobo, walang pinag-aralan. Ako gusto ko ipakita na nag-aaral din naman kami. May mga pangarap din naman kami na makapagtapos,” she said. Nonetheless, Chiu was delighted for what she has achieved. “Proud lang ako sa sarili ko na nakapagtapos ako kahit high school na iniisip ko dati na hindi ko magagawa. Pero ayun natapos siya,” she said. DepED on ALS MANILA, March 22 – What do famous TV personalities like Angel Locsin, Grace Roces (daughter of Rosanna Roces), Anne Curtis, Manny Pacquiao, Kim Chiu have in common? All of them got their high school diplomas after passing the Department of Education's Alternative Learning System (ALS) , a program of the DepEd wherein out-of-school youths or those unable to go to regular school could catch up with his "education" or avail of the so-called "other side of learning". <P>Melita C. Aguila, officer-in-charge supervisor of ALS-DepEd Manila, said that ALS is open to everybody nationwide, adding that program is "timeless.. that everyday is enrolment day,it takes place anywhere– under the tree, in barangay hall, church, city jails". Kim Chui was among the passers of the ALS last year and even joined the graduation rites (last year in Manila), noting that showbiz personalities availed of the programs just like other out-of-school youths. Aguila was guest on Thursday at the Radyo ng Bayan and telecast via PTV Channel 4 held at the Philippine Information (PIA) in Quezon City. Interested out-of-school youths can approach schools in their areas and ask for a ALS program, Aguila said, adding they were tying up with barangays,in jails,rehabilitation centers, churches in carrying out ALS programs. Livelihood programs are also being made available to out-of-school youths for them to earn a living, Aguila said. Formally known as Non-Formal Education then renamed as ALS, Aguila said programs actually is offering to non-literate a basic literacy program (ages 5 to 95 years old or those who cannot read and write ), to elementary ( 11 years old and above ) and high school ( 15 and above) accreditation and equivalency level. Under these programs, except those who avail of the basic literacy program, out of school youths under elementary and high school ALS will be given sessions or tutoring, learning intervention or take home modules for almost 10 months to take the accreditation test usually held in October. As entry point they will be given functional literacy test in written form and an interview, said Aguila, with modules or lessons starting in January until October, which is the day of the test accreditation. "ALS facilitators are just a text a way, or could be approached anytime, ready to give one-on-one lessons, Aguila said,noting the teaching approach is tailored to the capacity of the learners. As for ALS facilitators they must consider themselves as missionaries possessing a big heart and long patience, noting the status of their learners who (mostly) belong "to the last the least and the lost," Aguila said. (PNA) Kwentong ALS: Liwanag | #GOeducation Ito ang kwento ni Andrommel A. Marticio, isang ALS Volunteer Teacher na ginawaran ng Presidential Excellence Award. Bago s'ya naging guro, dumaan muna s'ya sa isang matinding pagsubok upang makamit ang inaasam nyang diploma. Ito ang kanyang istorya: “Dose anyos pa lang ako noon. Maayos naman ang takbo ng aming buhay sa Tarlac kapiling ang aking mga magulang at limang kapatid. Nagbago lamang ang lahat nang ako ay nag-aaral bilang first year high school. Isang matinding pangyayari ang bumago sa aming buhay nang matuklasan ng aking ina na ang aming ama pala ay may ibang pamilya. Isang araw, ako at ang dalawa sa aking mga kapatid, sina Allan at Aisa, ay isinama ng aming ina at lumayas sa aming bahay upang pumunta sa Olongapo City. Mula noon ay hindi na ako nakapag-aral muli. Sa Olongapo namin naranasan ang napakatinding hirap ng buhay na kahit sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari sa amin. Upang may mailaman sa sikmura, namasura ako sa loob ng SBMA. Bago makapasok sa lugar na iyon, kailangang maglakad ng halos limang kilometro. Pinupulot ko ang anumang basura na maaari pang pakinabangan at ibenta, kapalit ng maliit na halaga para sa aming panustos sa araw-araw. Sa musmos na gulang, kinailangan kong gawin iyon para matulungan ang aking ina sa kaniyang paglalabada. Nakaraos naman kami kahit papaano, lalo na simula noong 1993 nang pinalad akong makapagtrabaho sa isang pabrika sa Pampanga kung saan tumagal ako ng apat na taon. Taong 1997 nang isa na namang malaking dagok ang dumating sa aming buhay. Nagkasakit ang aking ina at naospital sa loob ng dalawang buwan. Nasaid ang munting halagang naipon ko sa pagtatrabaho sa pabrika. November 30, araw ng aking kapanganakan, nang bawian ng buhay ang aking ina. Dahil sa labis na kalungkutan, nasiraan ako ng loob at nawalan na ng pag-asang matutupad pa ang aking mga pangarap sa buhay, ang pangarap na mabigyan ng maginhawang buhay ang aking ina at mga kapatid. Natuto akong uminom ng alak,naging basagulero at nawalan ng direksyon ang buhay. Nagkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Hindi naman nanatiling ganoon ang aking kalagayan. Taong 2000 nang may mangaral sa akin tungkol sa Salita ng Diyos at ito ang nagbigay ng liwanag sa akin tungo sa isang mas makabuluhang buhay. Nagbago ako ng uri ng aking pamumuhay, napatawad ang aking ama, pati na ang aking mga kapatid na umiwan sa akin sa panahong kailangan ko sila. Muli kong nakapiling ang aking dalawang kapatid. Hindi nawala ang pagnanais kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Akin itong idinalangin sa Diyos. Sinagot Niya ang aking dasal anupa’t noong 2005, nalaman ko ang tungkol sa ALS. Karakaraka, ako, si Allan at si Aisa ay nag-aral sa programang ito ng DepED. Habang nag-aaral kami ni Allan, namasukan kami bilang ‘yagyag’, isang mahirap na trabaho na pagbubuhat ng mabibigat na kaban-kabang bigas, soya at trigo at pagpasan ng mga ito mula barko palabas tungo sa nakaparadang trak. Si Aisa naman ay namasukan bilang isang kasambahay. Ito ang nakatulong sa amin upang makaraos sa araw-araw at kasabay nito ay makapag-aral sa ALS. Kumuha kami ng A&E test at dahil sa biyaya ng Diyos, kaming lahat ay nakapasa. Salamat sa tulong ng aming ALS Mobile Teacher na si Ma’am Heidi Gabriel at ng kaniyang asawa na si Sir Manuel. Sa pamamagitan nila, nakapag-enrol ako sa Mondrian Aura College. Dahil sa mag-asawa, natapos ko ang unang semester. Malaki rin ang aking pasasalamat kay Sir Edgar Giniza, ang may-ari ng kolehiyo. Dahil sa tulong niya, natapos ko ang buong kurso bilang isang iskolar. Bagama’t hindi naging madali ang lahat, sa wakas ay naka-graduate din ako sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education at nagkamit pa ng Presidential Excellence Award. Ngayon, isa na akong volunteer teacher sa ALS at nasisiyahan sa pagbabahagi ng kaalamang pambuhay sa mga taong gaya ko noon, ay nasa kadiliman ng buhay. Nang dahil sa ALS, alam kong mas maliwanag na ang landas na aking tatahakin sa hinaharap.” Kwentong ALS: Bahay | #GOeducation Alamin ang Kwentong ALS ni Julbert R. Paloma, dating ALS learner na ngayon ay ALS instructor na. "Kapag nasa bahay ka ng ALS, bibigyan ka nila ng ilaw at gagabayan ka nila upang maabot mo ang iyong pangarap..." Lumaki ako sa aking lola at siya ang tumutulong at gumagabay sa aking buhay. Noong ako ay nasa Grade 4, huminto ako sa pag-aaral dahil sa "lack of parental guidance," lack of motivation," at higit sa lahat, 'yung "financial constraint" o tinatawag na poverty. Simple lang naman ang pangarap ko noon: ang makapagtrabaho sa isang fastfood chain gaya ng Jollibee o Chowking. Pero kapag nagtrabaho ka sa mga establishment na ganyan, kailangan mayroon kang maipepresenta na diploma o katibayan na nakapagtapos ka ng iyong pag-aaral. At dahil Grade 4 lang ang aking tinapos, ang aking pangarap na maging ahente sa isang fastfood chain ay hindi nangyari. Nakilala ko ang ALS sa tulong ng aking tiyahin na si Mrs. Nora Samson. Siya ay isang ALS coordinator sa Municipality ng San Remigio. Dahil sa kanyang tulong, pinakuha nya ako ng A&E Elementary Test at ako ay nakapasa. Sa sumunod na taon, pinakuha nya naman ako ng A&E Secondary Level at sa kabutihang palad ay nakapasa rin. Pagkapasa ko sa A&E Secondary Level, kumuha ako ng exam sa Polytechnic State College of Antique, na ngayon ay kilala bilang University of Antique. Maraming mga tinanong sa akin, gaya na lang ng paano ako naging kolehiyo kung ang tinapos ko lang daw ay Grade 4? Kaya kumuha ako ng entrance exam, hindi ko inaasahan na isa ako sa may mga pinakamataas na marka sa entrance exam nila for college students. Sa tulong ng Diyos at sa aking determinasyon na makatapos naging consistent Dean's Lister ako at nakapagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Unibersidad ng Antique. Dati-rati'y pangarap ko lang makapagtrabaho bilang fastfood chain teller, pero nang makapagtapos na ako, bumukas na ang maraming pintuan sa akin. Siyempre, bumukas na rin 'yung pangarap na maging isang mahusay na guro--ang makapagturo at makapag-share ng aking kakayahan sa mga learners at estudyante. Dahil graduate ako ng Bachelor of Elementary Education, natutunan ko na "education is a lifelong process." Kaya sa ngayon, isa na ako sa mga ALS intrustor manager dito sa Antique sa tulong ni Dr. Ernesto Servillion, ang ALS supervisor sa Antique. Kwentong ALS: Buto ng Puno | #GOeducation Paano nga ba binabago ng Alternative Learning System ang buhay ng isang tao? Alamin natin ang kwento ni Pedro R. Banda, Jr. Dati syang ALS learner na ngayon ay instructor na sa Computer Center for Special Persons & Out of School Youth (OSY) sa Bislig City. Ito ang kanyang kwento: ALS ang naghubog sa akin na makatayo at lumaban sa buhay… dito ko nakita na may pag-asa pa akong haharapin. - Pedro R. Banda, ALS Learner & A&E Passer 2006 "Nahinto ako ng pag-aaral dahil sa aksidente. Mahilig akong sumayaw noong nag-aaral pa ako. Isang araw napagkatuwaan naming magkakabarkada na magpraktis ng sayaw sa dalampasigan. Sa pagtambling ko ay nagkamali ako ng bagsak at otomatik hindi na ako makagalaw! Naging paralisado ang buong katawan ko at naging bed-ridden ako ng sampung taon hanggang sa naisipan kong magpakamatay dahil naramdaman kong wala na akong pag-asa sa buhay. Subalit naisip ko ang aking ina na nagta-trabaho para lang masuportahan kaming magkakapatid kung kaya naging inspirasyon ko siya. Noong nakakaupo na ako, maghapon akong pumupwesto sa harapan ng aming bahay. Madalas akong madaanan at makita ni Gng. Luz Morgado na isang DALSC at hinikayat akong sumali sa pag-aaral sa ALS. Dinadalhan niya ako ng mga A&E modules para basahin at pag-aralan, hanggang sa na-engganyo na akong sumali sa ALS Learning Center kasama ang iba pa niyang mga learners. Kumuha ako ng A&E Test noong 2005 ngunit hindi ako pinalad na pumasa. Naisip kong baka dahil paralisado ang mga kamay ko kaya hindi maayos ang pagkaka-shade ko sa mga sagot sa test. Kaya nag-praktis akong mag-shade at kumuha ako uli ng Test noong 2006, at sa awa ng Diyos nakapasa na ako. Pagkatapos ay naging TESDA Scholar ako at nag-aral ng vocational courses na PC Operation NC II at Computer Hardware Servicing NC II, na aking naipasa rin... Sa kasalukuyan, isa na akong instructor sa Computer Center for Special Persons & OSY dito sa Bislig City, kung saan pangunahing mag-aaral namin ay mga may kapansanan na tinuturuan namin sa computer operations para magkaroon ng magandang buhay." # Kwentong ALS: Compass | #GOeducation Ito ang salaysay ni Lola Ched, ALS Learner at ALS passer noong 2007. Ngayon ay nasa kolehiyo na sya. Basahin natin ang kanyang kwento: Saan man ako ituro ng compas na ito, alam kong sa tamang direksyon ang pupuntahan ko dahil ang ALS ay katuwang ko sa kinabukasan. Maaga akong nag-asawa kay Ben Pingad, isang professor sa Manila Arts & Trades, na mas kilala ngayon na Technical Institute of the Philippines. Biniyayaan kami ng pitong anak at sa kanila ko ibinuhos ang aking panahon. Bagama't hindi ako nakatapos ng high school, hindi ko na naisipang balikan ang pag-aaral ko dahil naging abala na ako sa pamilya ko, lalo na noong nag-retire nang maaga ang aking mister at nagtayo ng sariling talyer. Naging magaan ang buhay namin... Lahat ng mga anak ko ay pumasok sa eskwela hanggang sa nakapagtapos sila, kaya tuluyan ko ng nakalimutan ang mga pinangarap ko sa aking sarili. Hanggang sa naging biyuda ako at naging abala sa pagsisilbi sa simbahan, kung saan kabilang ako sa mga blue ladies, at dito ko nakilala ang ALS. Pumasok ako sa ALS, kung saan naging gabay ako ng mga kaklase kong soltero at soltera. Akala ko noong una ay pinagtatawanan nila ako dahil sa aking edad ngunit hindi pala at sila'y naging malapit sa akin. At dahil nga sa aking edad, ako rin ang naging leader nila sa mga talakayan at daingan ng kanilang mga personal na problema. Maraming binago sa buhay ko ang ALS, lalung-lalo na sa pakikisama sa mga batang tinedyer na aking mga kaklase. Sa tulong ng ALS, masaya akong nakabalik sa aking pag-aaral. Sumama ako sa mga outing ng mga kabataan at mga bonding time hanggang ako ang nagsilbing gabay sa kanilang mga problemang pampamilya, lovelife at iba pa. Dahil sa ALS, para akong dumugtong sa aking nakalipas. Kaya maliban sa panibagong pag-asa na idinulot ng ALS sa akin, binago rin nito ang landas ng aking buhay. Kwentong ALS: Ginto | #GOeducation Kilalanin natin ngayong araw si Reshel Jade Tiongangco Tapa, isang ALS learner dati na ngayon ay may-ari na ng isang Beauty Parlor. Ito ang kanyang buhay; ito ang kanyang kwentong ALS: Ako ay isang OSY (Out-of-School Youth) na umaasa lang sa aking mga magulang kahit na ako’y may asawa na at isang anak. Nawalan ako ng pag-asa sa pag-aaral dahil mahihirapan talaga ako sapagkat aasa na naman ako sa magulang ko sa pang araw-araw na gastusin sa anak ko pati pa pag-aaral ko. Isa pa wala na ring magbabantay sa anak ko kapag papasok ulit ako sa formal school. Mahirap ibalanse ang buhay ko lalo na may anak na ako at walang trabaho pa noon ang asawa ko. Nahihiya na nga ako sa mga magulang ko dahil sa kanila pa rin ako umasa sa lahat ng gastusin ko. Taong 2006, may narinig na akong may programang ALS para sa mga kabataang hindi nakapagtapos ng pag-aaral ng elementary at high school. Parati kong tinatanong ang mga kaibigan ko kung totoo ba ang ALS. Sinubukan kong magpalista at sumali sa learning sessions doon sa aming barangay session hall. Dala-dala ko pa ang anak ko tuwing papasok ako sa klase kasi walang magbabantay sa bahay. Minsan nga ang Mobile Teacher ko pa ang magbabantay habang may ginagawa kaming mga learners. Mahirap man, pero kinaya ko lahat dahil alam kong ito na ang aking pagkakataong maiahon ang aking buhay at ang aking pamilya sa kahirapan. Pinag-igihan kong mag-aral upang makapasa sa pagsusulit.. Nang malaman ko na ako’y pumasa, napakasaya ko talaga dahil matagal ko ng hinintay ang pagkakataong makapagtapos sa high school. Pagkatapos ng Culmination Program namin, nairekomenda pa ako ng Barangay Captain ng Cogon noon na si Alberta Torralba para makasali saTraining Scholarship Program ng Pilipinas Shell Foundation Inc. tungkol sa Entrep Skills sa Pililia, Rizal noong 2007. Nang dahil sa ALS diploma ko ay nakapag-aral ako ng ‘Welding’ under the PGMA Scholarship Program kung saan nakapag-aral ako ng libre at may allowance pa. Ngayon ganap na akong licensed welder ng TESDA NC II. At dahil din sa ALS, nakasali rin ako sa Basket Weaving Training na sponsored ng DTI-Bohol sa aming barangay. Nang nagkaroon ng isa pang training ang ALS na funded ng barangay at tie-up ng TESDA tungkol sa Beauty Care and Hair Science Culture ay nakasali rin ako. Sa pamamagitan ng mga natutunan ko sa Beauty Care and Hair Science Culture at iba’t ibang mga programang napasukan ko, meron na ako ngayong parlor at tindahan na nakatutulong na sa pang araw-araw na pangangailangan ng aking pamilya. Hindi na ako ngayon umaasa sa aking mga magulang para sa aming mga gastusin. Marami na rin akong naging suki, gaya ng mga guro sa Tiptip Elementary School, na sa akin na rin nagpapamanicure at pedicure, facial, hair rebond at iba pa. Napakalaking tulong ng ALS sa mga OSY na kagaya ko. Kaya naman isa na ako sa aming barangay na nanghihikayat sa mga kabataan na kagaya kong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Sinasabi ko sa kanila na nagkaroon ako ng lahat ng ito, ng aking parlor at tindahan ng dahil sa ALS, kaya napakalaki ng pasasalamat ko sa ALS. Higit sa lahat, sa ALS ko nakuha itong hindi mababayarang kayamanan na natutunan ko. Kaya napakalaki ng pasasalamat ko sa ALS.” Kwentong ALS: Ilaw | #GOeducation Ating kilalanin si Ustadz Haroun P. Ranain, dating ALS learner na ngayon ay isang guro na. Basahin natin ang kanyang salaysay: “Lumaki ako sa isang maliit na nayon sa Pantukan, Compostella Valley na sanay sa hirap. Naranasan kong mag-araro sa bukid at mag-alaga ng mga gulay sa aming bakuran upang matulungan ko ang aking mga magulang sa pagtataguyod sa aming walong magkakapatid. Sa tuwina ay kinukulang kami sa panustos sa mga pang-araw-araw na gastusin. Ito ang naging hadlang upang makatapos ako ng pag-aaral sa sekondarya. Hindi nagtagal, nakitira ako sa isang kamag-anak namin sa Panabo at doon ako natuto ng wikang Arabic. Dahil mahilig akong mag-aral, ipinadala ako ng aking tiyuhin sa Pagadian upang mag-aral sa wikang Arabic bilang isang scholar. Pagbalik ko sa Panabo, ibinahagi ko sa mga kabataan sa aming komunidad ang aking natutunan. Humanga ang aking tiyahin, na isang Instructional Manager sa ALS sa aking pagiging matiyaga sa pagaaral at sa aking dedikasyon at kasipagan sa paglilingkod sa kapwa ko mahihirap. Dahil alam niya na hindi ako naka-graduate ng high school, hinikayat niya akong pumasok sa ALS. Dahil sa pangarap na makatapos sa pagaaral, agad akong sumunod sa aking tiyahin at nagpatala. Upang mapagtibay ang aking pagtatapos sa sekondarya, kumuha ako ng Accreditation and Equivalency Test noong Pebrero 2005. Nakapasa ako! Nang matanggap ko ang aking Diploma, hindi ako makapaniwala. Ang Kalihim pa ng Edukasyon ang nakalagda rito! Ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa aking buhay. Nang mag-offer ang Basic Education Assistance for Mindanao (BEAM) ng Accelerated Teacher Education Program (ATEP) kaagad ko itong sinamantala. Naipasa ko ang mga qualification requirements at gumradweyt ako sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education sa University of Southern Philippines. Nakapasa na rin ako sa Licensure Examination for Teachers (LET) at isa nang ganap na Teacher. Sa kasalukuyan, ako ay may asawa na at may dalawang anak. Classroom teacher ako sa Manuel L. Quezon Elementary School sa Davao City. Nagtuturo rin ako ng Arabic sa mga Muslim na nag-aaral sa paaralang iyon. Hinahangad kong makapagtayo ng isang Madrasah School sa lugar kung saan ako lumaki. Nais kong matulungan ang mahihirap na kabataan doon upang makapagtapos din sila ng pag-aaral. Minimithi kong ibahagi sa kanila ang ilaw ng edukasyon na nagsilbing gabay sa akin sa pagkakamit ng katuparan sa aking mga pangarap sa buhay. “ # Kwentong ALS: Teacher Florinda | #GOeducation Meet Teacher Florinda Domingo. At the age of 13, she had to work to help her family. She said, "Dahil dito, nahinto ako sa pag-aaral noong ako’y first year high school. Sa edad na 16 ay nakapag-asawa naman ako." Despite having a family of her own at a young age, she didn't stop wanting to continue her studies. So, she enrolled for a Home Study Program at New Dalton High School. Unfortunately, she didn't finish it due to responsibilities she had. She started losing hope until she met an ALS coordinator, Mrs. Lourdes Jasmin, at East Central School. Mrs. Jasmin encouraged Florinda to take ALS Accreditation and Equivalency (A&E) Test. In 2003, she registered for A&E but got disqualified for technical reasons. In 2004, she tried again. This time, she passed the test. "Ito na yata ang pagkakataon ko upang maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa College at magbigay-daan sa isang mas maginhawang buhay para sa akin at sa aking pamilya," she said. After passing the A&E test, she applied for BS Elementary Education at Nueva Vizcaya State University. Through determination, perseverance and hard work, she was able to finish her course and pass the LET. Now, she's a licensed teacher, aspiring to be an ALS mobile teacher so that she can help other people like her. "Gusto kong tulungang makatapos ang mga kagaya kong dahil sa hirap ng buhay ay napahinto sa pagaaral. Salamat sa ALS! Ito ang nagbigay sa akin ng isang tanging yaman: edukasyon. Ito rin ang nagturo sa akin na magtiwala sa sarili at ipagpatuloy ang pag-abot sa pangarap sa kabila ng kahirapan," she said. # Kwentong ALS: Tulay | #GOeducation Kilalanin natin si Jimboy Sambawa--dating ALS learner na ngayon ay nagmamay-ari na ng motorcycle shop. Ito ang kanyang kwento: “Ang ALS ay isang tulay na nagbibigay pag-asa sa mga taong mahihirap at may mga pangarap na umunlad at sumaya ang buhay. Mahirap ang pamilya namin. Sa katunayan, bata pa lang ako namamasukan na ako bilang magtatabas ng damo sa bukid para lang makatulong sa aking pamilya. Hindi ko naranasan ang may baon at ‘marang’ ang lagi kong pagkain sa tanghalian tuwing papasok ako sa paaralan. Third year high school ako noong napatigil sa pag-aaral kasi hindi na talaga kaya.Tapos nagkahiwalay pa ang mga magulang ko, at sa hindi inaasahan, namatay pa ang nanay ko. Mapagbiro yata ang tadhana kasi sa paglipas ng mga araw, nagkaroon naman ng ‘mental disorder’ ang tatay ko. Masakit sa akin ang mga sunud-sunod na pangyayaring ito, kaya minsan naisip kong tapusin na ang buhay ko, at para kasing wala na akong pag-asa. Noon ako natutong maglayas at muntik na akong mapasama sa grupo ng New People’s Army (NPA). Akala ko kasi ganoon na lang ang magiging buhay ko. Isang araw, nabalitaan ko ang tungkol sa ALS Accreditation and Equivalency (A&E) at Technical Short Term class dito sa amin. Pinuntahan ko ito at nagtanung-tanong at nalaman ko na ito pala ay program ng DepED na ang nag-sponsor dito sa Melilla ay ‘Ang Nagkahiusang Kabataan-onan Alang sa Kambuan’ (ANAKK), isang Non-Government Organization (NGO) na tumutulong sa mga pamilyang interesadong magaral ngunit walang kakayahan magpaaral. Hindi ko na sinayang ang pagkakataong ito at agad nagpalista ako. Swerte naman at qualified daw ako. Kaya sa sobrang saya ko, sabay kong kinuha ang ALS A&E at short term course na Motorcycle Technical Repair Skill. Nag-aral akong mabuti kasi determinado akong matuto hanggang sa nag-on-the-job training kami ng 3 months sa EMCOR sa Digos. At napili pa ako ng Board of Directors ng ANAKK bilang isang volunteer. Ngayon kasama na ako sa mga nagtuturo ng skills, nagbibigay ng training at inspirasyon sa mga bagong kabataan na nag-aaral sa ANAKK. Hindi ko ikinahihiya ang mga pinagdaanan kong karanasan sa buhay. Gusto kong magsilbing halimbawa sa mga katulad ko. Gusto kong tulungan din sila, at gusto kong marating din nila ang narating ko. Hindi ko inakala na ang isang mahiyaing batang mahirap na hindi nakaranas maglaro noon, mula sa tribo ng Bagobo/Diangan ng Melilla dito sa Sta Cruz, Davao del Sur ay may-ari na ngayon ng isang Motorcycle Shop… Napakasarap ng pakiramdam at talagang naiba na ang buhay ko ngayon. Nabibili ko na ang mga pangangailangan ko at nakatutulong pa ako sa kapatid ko kahit may sarili na akong pamilya. Napakalaking pasasalamat ko sa Panginoon at sa DepEd – BALS sa Accreditation and Equivalency Program. Talagang malaki ang naitulong sa paghubog ng personalidad at sa pagbabago ng estado ng buhay ko. Ang lahat ng pinagsikapan at pinaghirapan ko ay hindi nasayang. Dapat lagi tayong may pag-asa sa buhay. Lucila Valdez Raguingan At Bangui Ilocos Norte, 69-year-old Lucila Valdez Raguingan finally received her high school diploma during the recent mass graduation of the Alternative Learning System (ALS) held at this province’s municipal auditorium. “Like love, age doesn’t matter, but education does,” quipped Raguingan as she joined 189 other ALS graduates during the commencement exercises. Married at 22, this grandmother of eight recalled that she had to drop out of school when she was in junior high because of poverty. Despite that, she and her husband managed to send their three children to school. All three are now successful professionals. One is a teacher, the other an electrical engineer and another, a commerce graduate. Inspired by her children, Raguingan realized that “education is the most important treasure we can have.” After 10 months or an equivalent of 800 hours of distance learning, Raguingan found herself marching onstage to receive her diploma. Nicolasa Villasencio 74-year-old Nicolasa Villasencio of Minglanilla led 119 successful examiners from elementary and 224 from secondary level coming from different districts of the southeast area of DepEd Cebu Province Division who marched Friday morning, June 22, 2012, during the 7th ALS (Alternative Learning System) A&E (Accreditation & Equivalency) Graduation Ceremony at the Dalaguete Sports and Cultural Complex. Aside from having the oldest graduate, they also had a graduate who was disabled and another one who was a special child. These kinds of graduates just gave inspirations to those other individuals who, despite of their age, disabilities, and incapacities, are still willing to acquire an elementary or high school diploma Out-of-School Youth Face Better Future As 2013 ALS Graduates Not even the blackout has disheartened the 372 out-of-school youth as they march towards the stage of the Valenzuela City Center for the Performing Arts Auditorium last Wednesday, May 8, as Alternative Learning System (ALS) graduates With synchronized clapping as an alternative for their background music, this year’s ceremony confirmed 17 passers from elementary level and 355 passers from secondary level, each has story to tell. Leading the secondary level, is a 24 year-old doting mother of two, Josie A. Solutin from Barangay Mapulang Lupa. “Akala ko noon,hindi na mangyayari pa ang pangarap na makapag-aral ako muli. Ngayon ay nandito ako sa harap ninyo upang ipakita ang pang`arap na natupad na.(Before, I thought that my dream to return to school will never come true. Now, I stand in front of you to show how that my dream has already materialized.)” She said while her little son cheers her on. It all started when she saw the ALS Post at their barangay hall. She took classes with some hesitations because of her age and status as a mother. She recounted while shedding tears how she struggled attending to class held at a Community Learning Center located in their Barangay Hall with her two small children in tow. The importance of education regardless of age and other circumstances was even testified by Palasan Barangay Kagawad Edward Tisado who is a 2009 ALS Passer. Like Solutin, he was also hesitant to continue his studies due to the fact that he was already 33 years old at that time. He also felt embarrassed because he was eying a Barangay seat during that time and yet he was still at high school. His desire to be educated pushed his doubts away. But his journey comes in a topsy-turvy route as problems hurdled his way. He was not able to attend numerous sessions because of family problems. In spite of that, he continued his march forward and was able to pass the equivalency exam then graduate. He was already working in Italy when he received his diploma. ALS is a modular, ladderized non-formal education where the student is required to choose their schedule of availability. If a student never reached 1st grade to any grade schools before, they are automatically classified under the elementary school level. Students will be given modules to study. Like in ordinary school they are given tests which they have to pass and they will be assessed by either their mobile teacher or instructional manager. After finishing the program, the students will take a qualifying examination covering all subjects. Successful examinees from both elementary and secondary level will be grouped together to take their diplomas in a closing ceremony. The program covers mostly dropouts from elementary and secondary schools, out-of-school youths, non-readers, working people and even senior citizens wanting to learn reading and writing. Students enrolled under the classroom-system are disallowed to participate in the program. Age level, economic and personal circumstances are among the determinants in availing the program. ALS is also fostered by different people who constantly helped the program. Dubbed as ALS Champions: they are Councilor Lorie Natividad- Borja, Councilor Gerald Espalana, Pamantasan ng Lungod ng Valenzuela President, Dr. Nedeña Torralba, and Manager of Consolidated Paper Products, Mr. Ramon Ching. City Mayor Sherwin T. Gatchalian is also consideres as an ALS Champion for initiating the course for the City Jail inmates named as the “Kakosa sa Karunungan” project. The City Government also allotted PhP 12 million solely for the course and a 4-storey ALS Center building near the Valenzuela Polytechnic (VALPOLY) campus Is now under construction. “We decided to put the ALS Center near VALPOLY so the graduates can continue with their tertiary level schooling through vocational and four-year formal courses which the institution offers.” Mayor WIN said. DepEd-NCR ALS Division Chief, Dr. Felicino Trongco also hailed Mayor WIN as the “Education Mayor,” stating that “Valenzuela is a good model for convergence. We can totally see that because your city is fortunate to have a very supportive education mayor like him.” ...
View Full Document

Paano Ba Ang Mangarap?

Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience, and the passion to reach for the stars to change the world.

~ Harriet Tubman

Marami akong pangarap noong bata pa lamang ako. Gusto kong maging isang pintor, o kaya ay arkitekto. Gusto kong maging isang nurse o kaya ay doktor. Gusto kong maging singer o kaya ay isang dramatic actress. Gusto kong maging brodkaster o kaya ay isang field reporter.

Sabi ng mga kamag-anak ko ay ambisyosa raw ako dahil puro pang-mayaman ang mga karera na gusto kong abutin. Ambisyosa pero kung gugustuhin ko ay maaabot ko naman dahil ako raw ay “MATALINO”.

Naalala ko ang pelikula ni Vilma Santos na “Paano Ba Ang Mangarap?”. Hindi ko napanood ‘yung pelikula pero alam ko na kasama niya doon si Christopher de Leon at may remake sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ngayon. Hindi ko rin alam ang istorya kaya please wag niyo akong tanungin, pero gusto kong subukang sagutin ang tanong. Ewan ko pero naisip ko, madali lang naman ang mangarap di ba? Kung tutuusin lahat ng tao ay kayang mangarap. Uupo ka lang sa isang tabi at titingin sa langit at saka mo sasambitin kung ano ang pangarap mo sa buhay, tapos ‘yun na. Maging ang batang paslit ay may mumunting pangarap na maging isang guro sa kanyang paglaki o kaya ay Cinderella; anuman ang lahi at estado sa buhay ay may ninanais na marating at maabot kahit na mukha pa itong imposible. Sabi nga, LIBRE LANG naman ANG MANGARAP kaya kung mangangarap ka rin lang ay taas-taasan mo na. Huwag mong pakinggan ang mga taong sumusuway sa iyo. Buhay at pangarap mo naman yan. ‘Yun nga lang, kung paano mo ito tutuparin, iyon ang dapat mong pag-isipan dahil dito na magsisimula ang pagsuong sa mabatong landasin patungo sa iyong pangarap.

Isang malaking disappointment para kay tatay at sa aking mga kamag-anak ang pag-aasawa ko ng maaga. Ako kasi ang inaasahan nilang mag-aahon sa aming pamilya mula sa pagkalugmok nito sa kahirapan. Nagkasunud-sunod ang trahedya sa aming buhay at ako ang inakala nilang saving grace. Iyon ang pangarap ng mga kamag-anak ko para sa aming pamilya na sa tingin nila ay ako ang sumira. Ganun rin naman ang aking adhikain. Bilang panganay ay ipinangako ko sa sarili na pipilitin kong ilagay sa ayos ang aming kalagayan. Pinangarap kong mabigyan si tatay at ang aking mga kapatid ng magandang pamumuhay sa kabila ng aming mga pinagdaraanang pagsubok. Alam kong batid na nila ngayon iyon. Kaya nga ako nandito sa Singapore upang sumugal na rin dahil alam kong walang mararating ang kakarampot na kikitain ko sa Pinas. Isang pasasalamat na maunawain si Gard sa aking sitwasyon at patuloy na tumutulong upang matupad ko ang mga nais ko para kina tatay.

Binalikan ko ang lahat ng mga naging pangarap ko noon… ni isa pala ay wala akong narating. Nauwi lang pala sa kusot ang mga binulong ko sa bituin. Tunay na ang pagrerebelde ay walang matinong mararating kungdi ang daan patungo sa EDSA at Mendiola.

Sa aming magkakapatid, ako ang may pinakamaayos na buhay may-asawa. Maalwan ang aming pamumuhay at nakasisiguro sa kinabukasan ng aming mga anak. Kaya siguro bilang isang ate ay masakit sa aking loob na makitang hindi ko nagabayan ang aking mga kapatid. Ni isa sa amin ay walang nakapagtapos ng kolehiyo. Isang malaking kabiguan para sa aming magulang na nagsikap na maituwid ang aming landas.

Marami pa rin akong pangarap sa buhay kahit ako ay hindi na bata. Pero hindi ko na gustong maging isang doktor, o arkitekto, o isang sikat na artista o brodkaster. Matanda na siguro ako para doon at napaglipasan na ng panahon. Mahabang oras ang muli kong bubunuhin sa pag-aaral. Gayunpaman ay buo pa rin ang pangarap ko para kina tatay. Hanggang sa pagtulog ay dinadalangin ko pa rin na maisakatuparan ko iyon bago man lamang dumating sa takipsilim ang kanyang buhay. Ang pangarap na mabigyan siya ng isang maayos na pamahingahan sa panahon ng tag-init; matibay na kublihan sa panahon ng tag-ulan; masarap na almusal, at masustansyang tanghalian at hapunan. Ang pangarap na marating niya ang lugar kung nasaan ako ngayon at magbiyahe hindi dahil sa trabaho kungdi bilang isang regalo sa kanyang mga naging pagsisikap. Matatag pa rin ang loob ko na makakatulong pa rin ako sa aking mga kapatid sa kahit na anong paraan, maliit man o malaki. Gusto kong maranasan din nila ang mamuhay ng maayos at masagana kasama ng aking buong pamilya.

Paano nga ba ang mangarap? Madali lang at libre pa nga. Pero kung mangangarap ka, dapat ay GUSTO mo at hindi PARANG GUSTO mo lang. Dahil ang salitang GUSTO ang magbibigay sayo ng motibasyon para kumilos. At siguraduhin mong gusto mo rin itong tuparin at pagsisikapan mong abutin dahil ang ibinulong mo sa langit ay ibibigay sa’yo ng nasa Itaas kung sasabayan mo ng sikap at tiyaga. Naniniwala ako doon gaya ng paniniwala ko na sasamahan pa Niya ito ng isandaang porsyentong lakas.

I have learned, that if one advances confidently in the direction of his dreams, and endeavors to live the life he has imagined, he will meet with a success unexpected in common hours.

~ Henry David Thoreau

*Isang pagbubukas din ang ang naging pakontes ni kaibigang Otep upang muli kong ma-analisa ang mga pangarap ko sa buhay maging ng iba pang bloggers. Hindi man manalo ang entry na ito, sa isang banda ay nakatulong sa akin ito upang lalo ko pang pagsikapang abutin ang nais ko para sa aking pamilya.

Like this:



This entry was posted on June 1, 2009 by anotherfrustratedwriter. It was filed under ENJOY, Life, On Life .


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *